Mga uuwing Pilipino na fully vaccinated na, dapat sa bahay na lamang mag-quarantine; pagpapaikli sa quarantine period, posibleng paikliin sa 7 araw

Sa bahay na lamang dapat mag-quarantine ang mga uuwing Pilipino na fully vaccinated na.

Ito ang iminungkahi ni Senator Richard Gordon sa Inter-Agency Task Force dahil magastos din kasi kung sasailalim pa sila sa 14 day quarantine at dito pa posibleng maubos ang kanilang mga bakasyon.

Samantala, sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Senate President Tito Sotto III na masasayang lang din ang oras ng mga OFWs lalo na kung importante ang kanilang dahilan ng paguwi kagaya ng emergency.


Tugon naman dito ni Health Secretary Francisco Duque III, posibleng mapaikli sa 7 araw ang quarantine period ng mga fully-vaccinated Filipinos na uuwi sa Pilipinas maliban na lamang kung magpakita sila ng sintomas.

Facebook Comments