Northern Mindanao Medical Center, handang magpadala ng ventilators sa ibang ospital na nangangailangan

Inihayag ng pamunuan ng Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro City na nakahanda silang magpadala ng ventilators sa ibang medical facilities na nangangailangan.

Ayon kay NMMC Chief Dr. Jose Chan, inaasahan kasing luluwag na ang kanilang kapasidad ngayong linggo dahil sa pagbaba ng COVID-19 cases.

Sa datos ng DOH, nasa 10,210 ang kabuuang kaso ng lungsod kung saan 696 na lamang dito ang nananatiling aktibo habang 148 naman ang bilang ng mga nasawi.


Facebook Comments