Mga uuwing Pinoy sa Pilipinas, dadaan sa kaparehong protocols na pinagdadaanan ng mga umuuwing OFWs

171

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadaan sa parehong proseso o protocol na pinagdadaanan ng mga umuuwing OFWS ang mga Pilipinong uuwi ng Pilipinas.

Kabilang dito ang mga Pinoy na nagbakasyon lamang sa ibang bansa at inabutan ng lockdown.


Ayon sa DFA, otomatiko rin sasailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) testing pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga uuwing Pinoy galing abroad.

Mula sa NAIA, sila ay idederecho rin sa quarantine facilities na aprubado ng Bureau of Quarantine.

Nilinaw din ng DFA na maaaring sa hotel mag-quarantine ang mga uuwing Pinoy na willing magbayad sa accomodation basta’t ang pipiliin nilang hotel ay aprubado ng Bureau of Quarantine.

Facebook Comments