Manila, Philippines – Nagsagawa ng puspusang Clearing operation ang mga pinagsanib ng pwersa na Manila Task Force Clean Up, Department of Public Safety,Park and Devt. Office at Manila Traffic Parking Bureau para magsagawa ng clearing operation para sa paghahanda sa mga delegado at Head of State na dadalo sa ASEAN Summit.
Ayon kay Manila City Govt. Spokesman Bampi Purisima pinagtatanggal nila ang mga nagtitinda sa area ng Baywalk Roxas Blvd. Roxas Blvd Service Roads, TM Kalaw, UN, Padre Faura, Pedro Gil, Quirino Avenue, Vito Cruz, Lawton sa paligid ng Manila City Hall at Malate at Ermita Manila.
Nilinaw ni Purisima hindi naman kasama rito ang mga kabataan na sinasabing tinatago ng Manila City Govt. kapag mayroon mga Head of State na bibisita sa bansa upang hindi makita ang masamang tanawin ng Pilipinas.
Paliwanag ni Purisima tanging ang mga vendor na nagtitindi sa naturang mga lugar ang kanilang pinapaalis upang hindi makakasagabal sa mga dadalo sa 31th ASEAN Summit.