Mga video karera at fruit game machine sinira sa Camp Crame

28

 

 

Labing-siyam na video karera at 36 na fruit game machine ang winasak sa Camp Crame.

Ang ceremonial destruction ay pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.


Ang mga nakumpiskang gamit para sa illegal gambling ay nakumpiska ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa kanilang big time operations simula noong January 1, 2020 hanggang February 2, 2020.

13 video karera machine at 12 fruit games ay nakumpiska sa Muntinlupa City, apat na video karera machines ang nakumpiska sa Caloocan City at dalawang video karera at apat na fruit game machines naman ang nakumpiska sa Pasay City.

Ang illegal gambling operation ay isa rin sa tinututukan ng PNP-IMEG na naging basehan  sa nangyaring sibakan pwesto ng pitong Police Community Precinct Commander at tatlong Chief of Police sa mga nabanggit ng mga  lungsod.

Facebook Comments