Mga video ng pagmamaltrato at pananakit ng ilang upperclassmen sa mga Plebo sa PMA, lumutang

Napatunayan sa mga lumutang na video ang pagmamaltrato at pananakit ng ilang upperclassmen sa mga Plebo sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

Sa isang video na kinukuha sa loob ng isang barracks, makikita ang ilang upper class Cadets ang pinarurusahan ang mga 4th Class Cadets.

Pinaliyad dito ang isang 4th Class Cadet saka siniko sa sikmura ng dalawang beses.


Pinalo rin ang Plebo sa kamay gamit ang sinturon.

May isa pa 4th Class Cadet ay pinalambitin sa locker at pinagawan pa ng ibang exercise.

Sa ikalawang video, makikita namang nagsa-sound trip ang isang upper class man habang nagpa-pumping exercise sa kanyang likuran ang dalawang Plebo.

Nang sumuko ang isang Plebo ay pinagsisipa siya ng isa pang upper class man, pinagsasakal, pinagsusuntok at tinuhod ang sikmura.

Ayon sa PMA Spokesperson, Capt. Sheryl Tindog, kuha ang mga nasabing video noon pang 2017 at 2018.

Sa kanilang pag-iimbestiga, anim na Kadete na ngayon ay 2nd at 1st Class Cadets na ang sangkot sa pananakit, ang isa sa kanila ay na-discharged na sa akademiya noong nakaraang taon.

Posibleng patawan ng dismissal o mapatalsik sa pma ang mga sangkot na Kadete at maaari rin silang isailalim sa Court Martial.

Facebook Comments