Tatlong napipisil bilang susunod na PNP Chief, hinamong sumailalim sa lifestyle check

Hinamon ng isang Party-List ang tatlong kandidatong sa pagiging Hepe ng Philippine National Police (PNP) na sumabak sa lifestyle check.

Ayon kay ACT-CIS Representative Eric Go Yap, dapat ilabas ng mga kandidato ang lahat ng kanilang records.

Makakatulong ito para makapili ang pangulo ng karapat-dapat na susunod na pinuno ng pambansang pulisya.


Kabilang sa mga inirekomenda ng pangulo ay sina Lt/Gen. Archie Gamboa, Lt/Gen. Camilo Cascolan, at si Major Gen. Guillermo Eleazar.

Facebook Comments