*Santiago City- *Tuloy-tuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng Division Of Public Order and Safety (DPOS) sa implimentasyon ng No Smoking Policy sa mga pampublikong Lugar sa Lungsod ng Santiago.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Edwin Roxas, pinuno ng DPOS sa naging panayam ng RMN kung saan bumaba anya ang kanilang datos hinggil sa bilang ng mga nahuhuling violators.
Batay sa kanyang ibinahaging datos, noong nakaraang Abril ay tinatayang nasa 216 ang kanilang mga nahuli habang nito lamang nakaraang buwan ng Oktubre ay nasa 124 na lamang.
Ayon pa kay ginoong Roxas, malaki ang naitulong ng kanilang pagsasagawa ng Information Dissemination sa mga Santiagueños hinggil sa kanilang iniimplimentang pulisiya.
Ang mga mahuhuling lalabag sa kanilang ipinapatupad na ordinansa ay mapapatawan ng tatlong libong piso (P3,000) sa unang paglabag, apat na libong piso (P4,000) sa ikalawang paglabag at limang libong piso (P5,000) para sa pangatlong paglabag.
Dagdag pa ni Roxas, bagamat kulang ang bilang ng kanyang mga miyembro ay tiniyak naman nito na sapat ang kanilang mga gagamiting sasakyan upang mabantayan ng mabuti ang kanilang nasasakupang Lungsod.
Samantala, Nanawagan naman ang naturang tanggapan sa lahat ng mga motorista na pag-ibayuhin ang pag-iingat sa pagmamaneho at pagkakaroon ng disiplina at pagsunod sa mga ipinapatupad na batas trapiko.