Mga volunteers ng Philippine Red Cross, naka-deploy na sa mga lugar na apektado ng bagyo

Abala na rin ngayon ang mga volunteers ng Philippine Red Cross o PRC na nakadeploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa na maaapektuhan ng pananalasa ng bagyong Tisoy.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, ilang araw bago dumating ang bagyo ay nagsagawa na sila ng pulong at plano at ngayon ay nakapwesto na ang kanilang mga volunteers at assets.

kabilang sa mga mahigpit na minomonitor at handang tulungan ng PRC ang mga barangay ng Camburo, Guiamlong, Hitoma, Maysuran at Sabangan na pawang nasa lalawigan ng Catanduanes sa Bicol Region.


Ang nabanggit na mga barangay aniya ay kasama sa mga posibleng pangunahing maaapektuhan sa pagtama ng kalamidad.

Sa munisipalidad ng Mercedes, Camarines Norte naman ay tumulong din ang mga volunteers ng PRC na patatagin ang bubungan ng mga bahay laban sa malakas na hangin na inaasahang ibubuga ng Bagyong Tisoy.

Tumutulong din ang mga volunteers ng PRC pati sa paglilikas pati ng mga alagang hayop sa mga lugar na nasa ruta ng bagyo.

Facebook Comments