Mga volunteers ng Philippine Red Cross, rumesponde na sa sunog na nagaganap sa BGC

Mabilis na kumilos at rumesponde ang mga volunteers ng Philippine Red Cross (PRC) sa sunog na nagaganap ngayon sa 21st Drive Street, sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, nasa area na ang kanilang mga fire fighters at medic personnel.

Nandoon na rin ang ambulance ng Red Cross para magbigay ng first aid.


Sa impormasyong nakarating sa Red Cross ay isang construction site sa lugar ang nasusunog at ngayon ay nasa unang alarma na.

Facebook Comments