Mga vote counting machine, sisimulan ng i-deploy sa mga polling precint sa lungsod ng Maynila

Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) Manila ang pade-deploy ng mga vote counting machine (VCM) sa iba’t ibang polling precinct.

Ayon kay Atty. Gregorio Bonifacio ang election officer ng COMELEC-Manila, nasa 1,859 na VCMs ang kanilang idedeploy sa mga polling precinct.

Sinabi pa ni Atty. Bonifacio, maaga nilang ihahatid ang mga VCM upang maiayos kaagad ng mga guro ang mga polling precinct kasabay ng iba pang guidelines ng health protocols kontra COVID-19.


Mismong ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang siyang tutulong para maayos na maihatid ang mga VCM kasama ang mga ballot boxes sa 87 polling precinct sa lungsod ng Maynila.

Ang mga VCM ay personal na tatanggapin ng mga Department of Education (DepEd) Supervisor Officials at mga school principal saka hihintayin ang schedule ng final testing at sealing.

Nabatid na ang mga VCM ay nagmula pa sa isang warehouse ng cargo logistics sa Muntinlupa City kung saan nasa 40 na trucks ang nagdala nito sa Maynila.

Facebook Comments