Mayor Isko Moreno, nangakong ipagpapatuloy ang pangangampaniya hanggang sa araw ng botohan

Inihayag ni Mayor Isko Moreno na kaniya pa rin ipagpapatuloy ang pangangampaniya at paglapit sa mga tao hanggang sa araw ng eleksyon.

Ito’y kahit pa bahagyang bumaba ang rating nito sa bagong survey matapos na ipanawagan na mag-withdraw na ang isa sa mga kasama niyang kumakandidato sa pagkapangulo.

Sinabi ng alkalde na ang gagawin niyang pag-ikot ay bilang pasasalamat na rin sa mga indibidwal, grupo at mga kapwa pulitiko sa pagbibigay nila ng suporta.


Dagdag pa ni Mayor Isko, ipinauubaya na niya sa Maykapal ang kaniyang kapalaran sa darating na halalan kung saan naniniwala pa rin siya sa tinatawag niyang “silent majority” na magdadala sa kaniya sa pagkapanalo.

Sa huli, muling iginiit ng alkalde na kung nais ng publiko ng kapanatagan ng isipan, mas maiging siya na lamang ang piliin upang lahat ng inilatag niyang plataporma ay mapakinabangan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments