Pansamantala munang ipinagbabawal ang mga walk-in sa Outpatient Department ng Philippine General Hospital (PGH) dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa nakalipas na araw.
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, gagawin muna ito sa pamamagitan ng telemedicine bago ang face-to-face consultation ang mga magpapakonsulta sa outpatient department.
Kasabay nito, sinuspinde naman ang ginagawang pag-iikot ng mga medical clerk at intern sa nasabing hospital.
Ito’y upang maiwasan na dumami pa ang bilang ng nahahawaan ng COVID-19.
Nabatid na ngayong araw, nakapagtala ang PGH ng 105 COVID-19 patient na siyang pinakamataas na bilang sa loob ng apat na buwan.
Matatandaang una nang ipinatigil ng pansamantala ng pamunuan ng PGH ang elective surgical procedure kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19 sa loob ng isang linggo.