Mga watawat ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa, ibababa bukas sa half-mast

Manila, Philippines – Inatasan ng Palasyo ng Malacañang ang lahat ng tanggapan ng Pamahalaan na ibaba sa half-mast ang mga watawat ng Pilipinas ng isang Linggo simula bukas.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ay para kilalanin at bigyang karangalan ang mga bayaning sundalo at pulis na nasawi sa pakikipagbakbakan sa Marawi City.

Ngayong tanghali naman ay inatasan ng Malacañang ang lahat ng kampo militar sa buong bansa na ibaba sa half-mast ang kanilang mga watawat.


Kanina lang ay binigyang kilala ng Pamahalaan ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay matiyak lamang ang kaligtasan ng lahat sa pamamagitan ng high noon salute na inilabas sa lahat ng istasyon ng telebisyon at radyo pribado man o gobyerno.

Umapela naman ang Malacañang sa publiko na mag-alay ng dasal sa mga sundalong nasawi sa Marawi at pati narin sa mga sibilyang nasawi matapos maipit sa gulo.
DZXL558

Facebook Comments