Implementing Rules and Regulations ng Anti-Distractive Driving Act, ilalabas bukas ng LTO

226

Manila, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Land Transportation Office na ilalabas na nila bukas ang Implementing Rules and Regulations o IRR hinggil sa Anti-Distracted Driving Act.

Ayon kay LTO Law Enforcement Service Director Francis Ray Almora dumaan sa masusing Konsultasyon sa lahat ng mga Stakesholder, Transport Leader at Commuters group ang naturang pagpatutupad ng IRR.


Paliwanag ni Almora masusing binusisi nila ang lahat upang hindi mapulaan ng publiko ang kanilang gagawing pagpatutupad ng IRR.

Giit ni Almora, kinakailangan lamang na apat na pulgada ang layo mula sa dashboard ng mga sasakyan nakalagay ang mga cellphone, bawal din gamitin ang cellphone habang nagmamaneho at bawal maglagay ng mga burloloy sa rear mirror.
DZXL558

Facebook Comments