MGA WATERFALLS SA ILOCOS SUR, BUKAS SA PUBLIKO

Bukas para sa mga turistang nais bumisita ang ilang waterfalls na matatagpuan sa probinsya ng Ilocos Sur.

Sa ibinahagi ng Ilocos Sur Tourism, maaaring bisitahin ang bahagi ng Sangbay ni Ragsak sa Suyo, Aw-Asen Falls sa Sigay, Pinsal Falls sa Sta. Maria, at Baey Anito Falls sa Alilem.

Kaya naman hinihikayat ng tanggapan ang publiko na huwag palampasin ang pagkakataon na matanaw at masilayan ng personal ang mga naturang waterfalls.

Samantala, bukod sa pagbubukas sa mga waterfalls ay ilan pa sa mga pool pasyalan ang maaaring bisitahin at mga food delicacies ang alok ng probinsya na maaaring masubukan at matikman ng mga bibisita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments