Manila, Philippines – Kakalampagin mamaya sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang mga workers with disability bilang protesta sa balak na pagsasara ng Tahanang Walang Hagdanan.
Ayon kay Joy Garcia, tagapagsalita ng Workers with Disability, ang Tahanang Walang Hagdanan ay isang NGO na hindi lamang kumakalinga ng mga may kapansanan kundi lugar ito na nagkakaloob ng training at isang transition center para makapaghanapbuhay ang mga PWD sa sandaling baumalik sila sa kanilang pamilya.
Sakay ng mkanilang wheelchairs, nagtipon-tipon na ang grupo sa may Sto. Domingo Church bago tumulak sa NLRC.
Pinangangambahang mawalan ng trabaho ang may 300 na Workers with Disability dahil sa freeze order ng NLRC.
Nag-ugat ang bantang closure matapos na may magreklamo ng unfair labor practice sa loob ng institusyon.