Mga working officials binigyang papuri ng DILG ARMM

Muling pinaalalahanan ngayon ng pamunuan ng DILG ARMM ang lahat ng mga Local Chief Executives maging ang mga Baranggay Officials sa buong rehiyon na makiisa sa kampanya ni ARMM Governor Mujiv Hataman at Presidente Rody Duterte na magsilbi at magtrabaho ayon sa sinumpaang tungkulin.

Itoy kasabay sa inilabas na Martial Law Memo na nagbibigay kapangyarihan sa DILG at mga otoridad na matyagan ang mga ginagawa ng mga local officials sa kani kanilang mga nasasakupan.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang ginagawang surprise visit ng mismong kalihim ng DILG ARMM sa mga munisipyo at mga baranggay hall. Sinasabing kabilang sa mga nadiskubre ni Sec. Kirby Abdullah ang mga naka-padlock na mga Baranggay Hall sa oras mismo ng trabaho. Sampu rito ay nagmumula sa lalawigan ng Maguindanao na nauna nitong napuntahan giit ni Sec. Abdullah.


Pinuri naman ng kalihim ang mga working Municipal at Barangay Officials sa dedikasyon ng mga ito sa pagsisilbi ng Tapat at may Malasakit sa kani kanilang mga kababayan.

Facebook Comments