Mga Yolanda survivor, sinisingil si Pangulong Duterte sa hindi nai-deliver na housing units

Manila, Philippines – Sinisi ng mga pamilya ng mga survivors sa Yolanda tragedy si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kabiguan na matupad ang pangako sa mga Yolanda survivors.

Sa isang News Conference sa Quezon City, sinabi ni Aaron Pedroza, tagapagsalita ng Community of Yolanda Survivors and Partners na natapos na ang tatlumpung araw magmula nang ipagmalaki ni Duterte na sisibakin niya sa puwesto ang mga taga-National Housing Authority kung hindi matatapos agad ang mga housing units para sa Yolanda survivors, wala ni isang ulo ang gumulong.

Ito ay kasunod ng napakabagal at kakaunting benepisaryo na nabigyan ng pabahay natapos ang apat na taon.


Buo ang paninindigan ng grupo na singilin din ang NHA sa mabagal at mga substandard na mga pabahay.

Facebook Comments