3rd MTB Challenge aarangkada sa Maguindanao

Inaasahang lalahukan ng libong mga Mountain Bike Entusiasts ang 3rd Mountain Bike Challenge na gaganapin sa bayan ng Buluan sa umaga ng linggo November 12, 2017 bilang pagsisimula ng Month Long Celebration ng ika 44th founding anniversary ng Maguindanao.

Sinasabing magmumula pa sa ibat ibang parte ng bansa kabilang na ang mga bikers mula Manila, Bukidnon , Iligan at mga kalapit lalawigan ang makikiisa sa 3rd MTB Challenge sa impormasyong nakuha mula kay Ms. Lynette Estandarte, Head ng Peoples Medical Team at syang event organizer.

Inaasahang pangungunahan mismo ito ni Maguindano Governor Esmael Mangudadatu kasama ang ibat ibang mountain bike oraganizations kabilang na ang mga opisyales at mga elemento ng PNP at military.


Kaugnay nito iniimbitahan ng Provincial Government ang publiko na saksihan hindi lamang ang MTB Challenge kundi ang lahat ng mga aktibidad na ilalatag ngayong buwan at makisaya sa makulay na selebrasyon dagdag ni Estandarte.
GOOGLE PIC

Facebook Comments