Cauayan City, Isabela – Habang inihahatid sa huling hantungan ang mga labi ni Pat.Henry Gayaman ay sumisigaw ng katarungan ang naiwang mahal sa buhay. Nanawagan ang mga ito na mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.
Si Patrolman Gayaman ang miyembro ng 205th Maneuver Company ng PNP ay napatay sa pakikipagsagupa sa grupo ng New Peoples army o NPA sa San Guillermo, Isabela noong Octobr 22, 2019.
Sa nakuhang impormasyon kay P/BGen. Angelito Casimiro, nakatakda sanang personal na makiramay si OIC PNP Chief Dir. Gen. Archie Gamboa subalit nagdesisiyon ang kamag anak ng Patrolman na ilibing kanina sa public cemetery sa kanilang bayan sa Aglipay, Quirino. Ito ay dahil sa paniniwala ng kanilang angkan. Dagdag pa ni Regional Director Casimiro, iginagalang nila ang tradisyon ng pamilya.
Ayon sa kaugalian, kailangan mailibing agad ang nasawing kaanak lalo na at sa bala ito namatay. Dahil dito, nagpasya si PNP Chief Dir.Gamboa na hin di na tumuloy.
Gayumpaman, nagpaabot pa rin ng pakikiramay ang hepe ng PNP sa pamilya ni Pat. Gayaman na itinuturing bayani, dahil sa naimbag nito sa bayan matapos makipagbabakbakan sa mga NPA.