Cauayan City, Isabela – Hindi pinalampas ng Cauayan City Veterinary Office ang mga panindang karne sa dalwang talipapa ng lungsod ng Cauayan.
Kinumpiska ng naturang tanggapan ang mga ibinebentang karne ng baka mula sa bayan ng Cabatuan, Isabela.
Nilinaw ng Veterinary office na ito ay hindi dahil apektado ang mga karne ng anumang sakit kungdi bilang pagtugon sa kanilang panuntunan, na bawal magbenta ng anumang karne mula sa mga bayang hindi double A ang klasipikasyo ng kanilng slaughter house.
Sa naging panayam ng 98.5 iFm Cauayan, kay Dr. Janice Dugay, City Veterinary Officer ng lungsod, kanyang nilinaw na ang mga karne ng bakang nakumpiska sa Brgy. Nungnungan 2 ay galing sa bayan ng Cabatuan na single A lamang ang salughter house classification.
Paliwanag pa ni Dr. Duga na kapag single A ang klasipikasyon ng katayan ng karne ay pinagbabawalan silang magbenta o magsupply sa labas ng kanilang teritoryo.
Daqgdag pa ni Dr. Dugay na hindi ito ang unang pagkakataon.
Minsan na nilang binigyan ng babala ang mga tindero ng karne na huwag kumuha ng kanilng paninda sa labas ng lungsod.
Dito sa lalawigan, ang mga bayan ng Roxas at San Mateo ang ilan lamang sa may double A na klasipikasyon ng slaughter house.
Ang mga nakumpiskang karne ng baka ay binuhusan ng gasolina at inihukay sa lupa.