MGCQ, hindi pa papayagan sa Metro Manila – NTF

Hindi pa dapat isailalim sa Modified General Community Quarantine ang Metro Manila sa darating na Pebrero.

Ito ang naging pahayag ni National Task Force Spokeperson Restituto Padilla kasabay ng muling pagtaas ng kaso ng COVID -19 sa Metro Manila.

Paliwanag ni Padilla, walang dahilan upang luwagan ang quarantine restriction sa Metro Manila lalo na’t ito pa rin ang episentro ng COVID-19 sa bansa.


Aniya, kailangan munang magkaroon ng improvement sa bilang ng mga aktibong kaso sa lungsod.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 281,697 ang naitalang kaso sa Metro Manila.

Facebook Comments