MHO LINGAYEN NAGBIGAY BABALA SA PUBLIKO UKOL SA MALING PAG-INOM NG ANTIBIOTIC

LINGAYEN, PANGASINAN – Nagbigay ng babala ang Municipal Health Office sa bayan ng Lingayen ukol sa maling pag-inom ng “antibiotic” at kung ano nga ba ang maaaring epekto nito sa tao.

Ayon sa nasabing tanggapan, ang maling pag-inom o paggamit nito ay maaaring magresulta sa Antimicrobial Resistance na sa kalaunan ay maaaring maging seryosong public health problem.

Ang AMR ay nangyayari kapag mali o sobra sa itinakdang pag-inom ng antibiotic.
Ito rin ay itinuturing na delikado dahil maaari itong ilipat o maipasa sa ibang tao pati na rin sa mga alagang hayop.


Samantala, payo ng nasabing tanggapan na kumunsulta muna sa doktor bago bumili ng antibiotic at tanging sa lisensyadong botika lamang mamili upang maiwasan ang AMR.

Facebook Comments