MIAA Chief Cesar Chiong, nanindigan na walang pananabotahe sa nangyaring power outage sa NAIA

Naniniwala si Dating Manila International Airport Authority (MIAA) Chief Cesar Chiong na sa huli siya ay mapapatunayang inosente at malilinis mula sa mga akusasyon laban sa kaniya.

Matatandaan kasi na iniutos ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension sa kanya.

Ayon kay Chiong na ang preventive suspension na natanggap niya kahapon, dahil nag-reassign siya ng partikular na mga empleyado ng MIAA.


Ngunit iginiit niya na ang hakbang na ito ay bahagi ng kanyang layunin upang mapabuti pa ang operasyon sa paliparan.

Dagdag pa niya na ang pangunahing paliparan ng bansa ay nahaharap ngayon sa napakahirap na hamon at nagsimulang magpatupad ang ahensiya ng mga plano at programa na naglalayong pagandahin ang karanasan ng mga pasahero sa pangunahing gateway ng bansa.

Samantala, itinalaga naman na bagong OIC ng MIAA si Senior Assistant General Manager Bryan Andersen Co matapos ang suspensiyon sa dating GM na si Cesar Chiong ng MIAA.

Facebook Comments