Asahan na mas tataas pa ang volume o bilang ng mga international passengers sa Pilipinas ngayong summer season kaugnay sa pagbabalik ng sektor ng turismo sa bansa.
Matatandaan na umabot sa halos 1.7 million na international passengers ang naitala na dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa nakalipas na buwan.
Ito ang pinakamataas na bilang ng mga pasaherong dumagsa sa NAIA terminals sa taong ito.
Samantala, tumaas din ng 75.20% ang flight on time performance ng Manila International Airport Authority (MIAA) nitong Abril, mas mataas ng halos 4% kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 71.24% sa kaparehong buwan noong 2022.
Facebook Comments