Tiniyak ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na kontrolado na ang sitwasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos na mabalahaw ang eroplano ng Saudia Airlines sa damuhang bahagi ng runway ng NAIA Complex.
Ayon kay Monreal, wala ring domestic at international flights ang naapektuhan ng nasabing insidente.
Aniya, nagagamit pa rin kasi ang ibang bahagi ng paliparan.
Tiniyak din ng MIAA na nakasunod sa international standards ang ginawa nilang pag-recover sa eroplano.
Sa nasabing insidente, wala namang nasaktan sa 420 na pasahero at crew ng eroplano.
Facebook Comments