BAGONG RESCUE AT AMBULANCE VEHICLES, BINASBASAN SA CAGAYAN

18
Binasbasan ngayong araw ang mga bagong rescue vehicles at ambulances ng Kapitolyo ng Cagayan sa pangunguna ni Cagayan Governor Manuel N. Mamba kasama sina Ruellie Rapsing TFLC Head at Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III.

Kabilang ang limang (5) rescue vehicles para sa Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) Ballesteros, Tuao, Gonzaga, Lal-lo at sa Cagayan Provincial Information Office (CPIO).

Samantala, ang tatlong (3) Type 1 at DOH-accredit ambulance ay para sa Northern Cagayan District Hospital, Ballesteros District Hospital at sa Provincial Health Office.

Layunin ng pamahalaan ng Cagayan na magbahagi ng mga bagong sasakyan upang mapabuti pa ang kanilang serbisyo sa bawat Cagayano.
TAGS; Cagayan Provincial Office,DOH,Governor Mamba


Facebook Comments