Manila, Philippines – Inihahanda na ng pamunuan ng Manila international Airport Authority at Office of the Transport security ang isasagawang imbestigasyon hinggil sa reklamo ng paalis na balikbayan family sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) terminal 2.
Matatandaang naging viral sa social media ang post ng isang Jorge Hizon matapos bigla umanong mawala ang kanyang relo makaraang sumailalim sa final security Inspection.
Umani ito ng reaksyon mula sa netizens dahil nanumbalik ang takot hinggil sa tanim bala scheme.
Ayon kay Airport General Manager Ed Monreal hawak na nila ang CCTV footage nuong Oct 20, ang petsa kung kailan nangyari ang sinasabing pagkawala ng relo ng biktima.
Pero nabahiran ng kalituhan ang reklamo ni Hizon makaraan nitong i-post ang maling litrato
Sa post nito makikita ang security check point sa NAIA T3 pero sa NAIA T2 nawala ang sinasabi nyang relo.
Aminado naman si Hizon na kinuha lamang nya ang picture sa Google.
Sa ngayon inaalam na ni Office of Transport Security Undersecretary Art Evangelista ang totoong motibo ni Hizon.
Posible kasi aniyang masira ang imahe ng bansa dahil sa naging viral post nito.