Magsasagawa ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng Crash Rescue Exercise para matiyak ang kahandaan ng paliparan sa pagresponde sa aircraft crash incident.
Gagawin ang Crash Rescue Exercise sa airside premises ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bukas, August 4.
Ito ay pagtalima na rin sa requirement ng International Civil Aviation Organization (ICAO) na pagsasagawa ng nasabing exercise, dalawang beses kada taon.
Tiniyak naman ni MIAA Officer-in-Charge Bryan Co na walang flight na maaapektuhan sa gagawing Crash Rescue Exercise.
Facebook Comments