MIAA, naglabas ng red lightning alert

Sinuspinde ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ramp movement sa eroplano at mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Ito ay dahil sa red lightning alert bunsod ng naranasang pagkidlat kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Ipinatupad ang red lightning alert para maiwasan ang anumang untoward incident dahil sa kidlat.


Humingi naman ang MIAA ng pang-unawa sa publiko dahil sa posibleng idulot nitong delay sa mga biyahe.

Giit ng ahensya, nananatiling prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero sa empleyado ng paliparan.

Samantala, ilang flight ang na-divert sa Clark International Airport kabilang ang:

TG 624 Bangkok-MNL

CX 903 Hong Kong – MNL

2P 2860 Cebu – MNL

2P 2818 Davao – MNL

5J 998 General Santos – MNL

5J 480 Bacolod – MNL

5J 854 Zamboanga – MNL

5J – Cebu Pacific Air | 2P – PAL Express | CX – Cathay Pacific

Na-delayed naman ang mga flight:

EY 423 (MNL – AUH)

ET 645 (MNL – ADD)

BR 278 (MNL – TPE)

PR 116 (MNL – YVR)

PR 126 (MNL – JFK)

TR 391 (MNL – SIN)

TG 625 (MNL – BKK)

EY – Etihad Airways | ET – Ethiopian Airlines | BR – Eva Air | PR – Philippine Airlines | TR – Tiger Airways | TG – Thai Airways

Facebook Comments