MIAA, nagsasagawa ng clearing operations sa runway ng NAIA Complex matapos ang pananalasa ng bagyo

Maagang nagsagawa ng clearing operations sa NAIA Complex ang engineering at operations teams ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Partikular na ginawa ang clearing operations sa airside at landside areas ng NAIA.

Layon nito na matiyak na walang foreign object debris na mahihigop ang makina ng mga eroplano mula sa runway.


Maaari kasi itong magdulot ng malaking pinsala sa makina ng eroplano.

Bagama’t may mga natumbang puno sa paligid ng paliparan, hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa NAIA Complex.

Wala ring naitalang water at power interruptions sa NAIA terminals kaya ngayong araw na ito ay balik na sa normal na operasyon ang paliparan.

Facebook Comments