Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nag-aerial inspection sa Region 3

107

Unang nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Region 3.

Batay sa Facebook post ni Pangulong Marcos, lumipad ang presidential chopper sa paligid ng Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac.

Sa ilang mga larawan na ipinost sa social media ng pangulo ay makikitang sinusuyod nito ng tingin ang paligid.


Makikita rin sa ilan pang mga larawan na malaking bahagi ng kalupaan, palayan at mga ilog sa mga lalawigan ang iniikutan ng pangulo na kulay gatas ang tubig.

Ibig sabihin, may putik na bumaba mula sa mga bundok ng tatlong lalawigan at ngayon ay inilubog na ang mga palayan na tiyak na matinding makaaapekto na naman sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Facebook Comments