Maraming ginagawang paraan ang Manila International Airport Authority o MIAA para mas mapaganda pa ang serbisyo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos ang inilabas na ulat ng travel website na Hawaiinan Islands na sinasabing ang NAIA ay third most stressful airport in Asia.
Sinabi ni Bryan Co, Senior Asst. Manager ng MIAA sa Laging Handa public briefing na tinatanggap nila ang kritisismong ito pero ituturing na constructive inputs para mas ma-improve pa ang serbisyo ng NAIA.
Marami na aniya silang ginagawang mga paraan ngayon para mapaganda ang pasilidad at serbisyo ng NAIA, ilan na rito ay ang pagkakaroon ng terminal balancing, kung saan may ilang international at domestic flights ang inilipat ng mga terminal para maiwasan ang haba ng pila at siksikan.
Inalis na rin aniya ang initial screening sa pagpasok sa NAIA na minsan ay nagiging dahilan rin ng haba ng pila at nagkaroon na rin ng vehicle checkpoint.
Sinabi ni Co, dahan-dahang proseso ito at hindi mabilisan dahil kailangan aniyang pag-aralang mabuti na hindi makokompromiso ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa NAIA.