MIAA, umapela sa Pasay LGU na manghimasok na sa abandonadong Philippine Village Hotel dahil sa usapin ng seguridad ng NAIA

Nanawagan ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Pasay City Local Government Unit na aksyunan na sa lalong madaling panahon ang abandonadong Philippine Village Hotel.

Ito ay dahil sa nagdudulot ng panganib sa mga nasa paligid nito lalo na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at sa 250th Presidential Airlift Wing.

Ayon sa MIAA, dahil sa abandonadong Philippine Village Hotel Inc., hindi anila makagalaw ang MIAA sa barring efforts nito para sana ma-secure ang paligid.


Umapela rin si MIAA OIC Bryan Co na mapahintulutan ang MIAA na i-secure ang paligid ng abandonadong hotel laban sa criminal elements at natural and manmade disasters.

Ito ay lalo na at 9-million na mga pasahero ang dumadagsa sa NAIA 2 kada taon.

Umapela rin si Co kay Pasay Mayor Imelda Rubiano na magsagawa ng structural assessment sa Philippine Village Hotel para matukoy ang level ng panganib nito sakaling gumuho.

Facebook Comments