PNP beneberipika pa kung kabilang sa PAGs ang grupo ni dating Vice Mayor Mudjasan

Beneberipika pa ng Pambansang Pulisya kung kabilang ang grupo ni dating Vice Mayor Pando Adiong Mudjasan sa mga potential Private Armed Groups (PAGs) nag-o-operate sa Mindanao.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PBGen. Red Maranan, kanila pa itong vina-validate sa grounds lalo na’t matapos ang engkwentro sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at grupo ni Mudjasan noong Sabado ng umaga sa Sulu.

Aniya base sa kanilang datos 49 ang potential PAGs kung saan tatlo dito ang aktibo na pawang sa Region 5 nag-o-operate.


Ani Maranan, mahigpit na binabantayan ng PNP ang pagkilos ng mga Private Armed Groups dahil posible kasing maka-impluwensya ang mga PAGS sa darating na Barangay at Sanggunian Kabataan Elections sa Oktubre.

Facebook Comments