Miami Heat point guard Goran Dragic, nagretiro na sa Slovenian team

Sports – Tuluyan nang nagretiro sa Slovenian team si NBA guard Goran Dragic.

Inanunsyo ito ng manlalaro matapos na magkampeon sa FIBA European Basketball Championship.

Si Dragic ay bumida sa laro na nakapagtala ng 35 points dahilan para matalo ang Serbia sa iskor na 93-85.


Nakuha rin niya ang MVP award sa Eurobasket.

Sabi ni Dragic, masaya na siyang nasungkit ng kanilang team ang gold medal kaya nais niya namang mag-focus ngayon sa kanyang NBA career bilang player ng Miami Heat.

Facebook Comments