200 road accidents sa buong Metro Manila, naitala ng MMDA ngayong araw

Manila, Philippines – Dalawang-daang kaso ng road accident sa buong Metro Manila ang naitala ng MMDA ngayong araw.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia – kahit sa mga hindi mata-traffic na lugar ay nagkakaroon ng aksidente na nagreresulta ng chain reaction sa kalsada.

Dahil dito, nade-delay din ikot ng mga public utility vehicles sa kanilang mga ruta kaya naiipon ang mga pasahero.


Nanawagan naman si Garcia sa mga commuters na manatili lang sa sidewalk at huwag magpakalat-kalat sa kalsada.

Facebook Comments