Michael V., nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma mismo ng comedian/actor na si Michael V. sa kaniyang latest vlog na nagpositibo siya sa COVID-19.

Say ni Bitoy, nakaranas siya ng flu-like symptoms noong huling vlog niya kaya agad siyang nag-quarantine at nagpacheck-up online.

July 18, nang malaman niyang positibo ang resulta ng kaniyang swab test batay na rin sa email na kaniyang natanggap mula sa St. Luke’s Medical Center.


Sa ngayon, nagpapagaling pa rin si Bitoy at nare-regain niya na ang kaniyang pang-amoy simula nang maapektuhan ito dahil sa nasabing virus.

Facebook Comments