Mahigit 2,700 na mga pasyente ng COVID-19 ang gumaling na sa QC

Inihayag ngayon ng Quezon City Health Department na umakyat na sa 2,740 ang mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19 sa kanilang lungsod.

Base sa pinakahuling datos ng QC City Health Department, hanggang kahapon, pumalo na sa 5,222 ang bilang ng COVID-19 ang kumpirmadong kaso sa lungsod.

Dagdag pa ng QC Health Department na 5, 121 ang validated cases at 2,114 ang active cases 2,740 naman ang nakarekober na sa sakit matapos madagdagan pa ng 15 bagong recoveries.


Sa kabuuan, nasa 267 na ang mga pumanaw kung saan nadagdagan pa ng isa base sa pinakahuling datos ng QC Health Department.

Facebook Comments