Michele Gumabao, binasag na ang pananahimik sa umano’y dayaan sa Miss Universe Philippines 2020 pageant; Beauty queen, may narinig na hindi dapat marinig sa pageant

Nagsalita na si Michele Gumabao hinggil sa isyung kinasasangkutan sa coronation ng Miss Universe Philippines 2020 pageant.

Sa isang halos 25-minute YouTube video na ipinost niya noong November 2, sinabi ni Michele na nagdesisyon siyang magsalita hindi para atakihin o saktan ang sinuman kundi sabihin ang kanyang istorya at naranasan sa pageant.

Pinag-usapan kasi si Michele matapos na hindi siya sumipot sa press conference para sa winners kung saan hinirang siya bilang second runner-up at kinoronahang Miss Universe Philippines 2020 ay si Rabiya Mateo ng Iloilo City.


Say ni Michele, umaga ng linggo, October 25, 2020, inaasahan ilalabas ang resulta ng pageant, pero nakatanggap siya ng isang cryptic message ng linggo ng madaling araw na may nanalo na.

Sinabi ng beauty queen na narinig niya ang mga hindi dapat na marinig at na witness ang mga bagay na hindi dapat ma-witness bilang isang candidate.

Binigyang diin din ni Michele na hindi siya bitter at tanggap niya ang kanyang pagkatalo.

Facebook Comments