MICP DIST Collector Atty. Vincent Philip Maronilla, handang humarap sa anumang imbestigasyon; Pahayag ni Senator Lacson na sangkot si Maronilla, itinanggi

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni MICP District Collector Atty. Vincent Philip Maronilla ang alegasyon ni Senator Panfilo Lacson na isang Alex, Atty. Baquiran at Aldave ang kumukolekta ng tara para sa kanya.

Ayon kay Atty. Maronilla, wala siyang pinahihintulutan sinuman na mangolekta o gamitin ang kanyang opisina para mag-solicit ng anumang halaga ng tara para sa kanyang kapakanan.

Una rito, nakaladkad ang pangalan ni Atty. Maronilla, matapos mag-privilege speech si Senator Lacson at idinawit ang kanyang pangalan na tumatanggap di umano ng tara.


Dahil dito, bukas si Atty. Moranilla na humarap ng anumang independent investigation para lumabas ang buong katutuhanan at malinis ang kanyang pangalan na nakaladkad sa ibinulgar ni Senator Lacson.

Facebook Comments