Inanunsiyo ng Manila International Container Port (MICP) na pansamantalang sarado ang kanilang pantalan para magsagawa ng disinfection.
Ito ay matapos na magpositivo sa COVID-19 ang isa nilang empleyado.
Bilang bahagi ng guidelines na inilatag ng Department of Health (DOH), isasagawa ang disinfection sa buong MICP Building kung saan ginagawa na din nila ang contact tracing sa posibleng naka-usap, nakaharap o nakasama na katrabaho ng nagpositbong personnel.
Ang mga matutukoy na empleyado na nagkaroon ng direct contact ay aabisuhang mag-self quarantine at imomonitor sila ng Internal Administration Group.
Ang iba naman hindi apektadong oposina ng MICP maaari pa din ipagpatuloy ang operasyon tulad ng vessel boarding, examination of goods at x-ray examination base na din sa memo na inilabas ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Ang importasyon naman ng MICP importation ay mapo-proseso pa din ng mga personnel at empleyado.
Pero Iaabisuhan nila ang Stakeholders na gamitin ang Customer Care Portal para mag-submit ng dokumento upang ma-proseso ang transaksyon kung saan maaari din nilang mamonitor ang kanilang shipment ng Goods Declaration and Verification System.
Ang mga nasabing sistema ay maaaring makita at ma-access sa opisyal na website ng Bureau of Customs (BOC).