Micro granular lockdown, ipatutupad na rin simula bukas

Sa layuning mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Ipatutupad na rin simula bukas ang micro granular lockdown.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Metro Manila Council (MMC) Chair at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ito ay pag-contain ng virus sa kada bahay o kada isang palapag ng gusali at bawat kalsada nang sa ganon ay hindi maapektuhan ang iba na wala namang COVID- 19 at makapaghanapbuhay.


Paliwanag ni Mayor Olivarez, kapag nagkaroon ng isang kaso sa isang condominium o gusali at sa isang bahay, ipatutupad na agad ang lockdown dito.

Sa kalsada naman ay magkaroon lang ng 2 confirmed cases dito ay otomatikong isasailalim na ito sa lockdown.

Sa pamamagitan aniya nito, agad na makapagsasagawa ng contact tracing, testing at maihihiwalay agad ang positibo upang hindi na makapanghawa pa ng iba.

Umaasa naman ang MMC na magiging epektibo ang implementasyon ng Alert Level System with granular lockdown sa National Capital Region (NCR) na magsisimula na bukas, September 16, 2021.

Facebook Comments