Pormal na pinasinayaan ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) sa Sta. Ana Hospital na nasa ika-6 na distrito.
Ayon kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, handa ang MIDCC para tumanggap ng mga kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa lungsod.
Pinasalamatan rin ni Domagoso ang direktor ng Sta. Ana Hospital na si Dra. Grace Hermoso Padilla at ang punong-kawani ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) na si Engr. Armand Andres sa agarang pagtatayo ng MIDCC.
Taos-puso ring nagpasalamat ang alkalde sa mga frontliners lalo na ang mga doktor at nurse na nagsasakripisyo upang tiyaking ligtas ang bawat Manileño.
samantala, sa ospital ng maynila naman ay pansamantalang magsisibling isolation area ang mga mobile clinics ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa mga kaso ng COVID-19.