MIDTERM ELECTIONS | Comelec, wala pang idinedeklarang election hotspot

Manila, Philippines – Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na dapat ay may hatol muna sa hukuman bago sila magdeklarang disqualified ang isang tinatawag na “narco politician”.

Sabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, dapat silang maging maingat dahil baka magamit sa pamumulitika ang nasabing isyu.

Una nang ipinanukala ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat ideklarang disqualified ng Comelec ang mga pulitikong sangkot sa illegal drug trade.


Ganito rin ang panukala ng liderato ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Comelec.

Pero ayon kay Jimenez, iba’t-ibang mga paninira ang inilalabas ng mga pulitiko laban sa kanilang mga kalaban kaya dapat ay maging maingat ang kanilang tanggapan.

Nilinaw din ng opisyal na hindi nila tuluyang ibinabasura ang mga panukala para matiyak na hindi makakapwesto sa pamahalaan ang mga sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments