CYBER-ATTACK | Pentagon, nagkasa ng malalimang imbestigasyon

130

Isang malalimang iniimbestigahan ang ginagawa ngayon ng Pentagon kasunod ng cyber-attack sa kanilang mga travel records.

Dahil sa pag-atake, nalantad ang ilang mga personal information ng mga tauhan ng Pentagon.

Ayon kay Pentagon Spokesman Lieutenant Colonel Joseph Buccino, nakarating sa kanila ang insidente noong Oktubre 4 bagaman maliit na porsiyento lamang ang nakuhang “personally identifiable information.”

Noong nakaraang linggo magkakasabay na kinondena ng maraming bansa ang Bansang Russia sa paglulunsad umano ng “global hacking campaign” kung saan target maging ang ilang mga sports bodies, nuclear power company at mga chemical weapons watchdog.

Facebook Comments