Manila, Philippines – Sinampahan ng P9.56-bilyon tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Mighty Corp. dahil sa paggamit ng mga pekeng tax stamps.
Ito’y kasunod ng pagkakadiskubre ng libu-libong mga sigarilyong may pekeng tax stamps sa Cebu, Pampanga at General Santo City.
Inireklamo ng BIR ang kompanya at mga opisyal nito ng paglabag sa national internal revenue code of 1987 o tax code, sections 263 at 265.
Giit ng Abogado ng kompanya na si Atty. Sigfrid Fortun, gagamitin nila ang kaso para mapatunayan ang kanilang pagkainosente.
Tiniyak ng cigarette company na makikipagtulungan sila sa gobyerno para mapabuti ang pangongolekta ng buwis.
Samantala, magsasagawa ang Department of Justice ng preliminary investigation sa reklamo ng BIR para malaman kung may pananagutan sa batas ang mga opisyal ng Mighty Corp.
Una nang pumayag ang nasabing kumpaniya na magbayad ng P3 billion multa kasunod na rin ng hindi nila pagbabayad ng tamang buwis.
Facebook Comments