Manila, Philippines – Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mighty Corporation ng isang kasunduan para hindi na ito tuluyang makasuhan ng kasong economic sabotage.
Matatandaan na ang Mighty corporation ay inaakusahang gumagamit ng Fake tax stamps na iniimbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan inatasan pa ng Pangulo na arestuhin ang may-ari nito.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung gusto ng Mighty Corporation na hindi na makasuhan ay maghanda nalang ng 3 bilyong Piso.
Ang pera aniya ay hindi para sa kanya kundi para sa Department of Health (DOH) para maibigay naman sa pagpapagawa at pagsasaayos ng provincial hospital ng Sulu, at Basilan at ang pagsasaayos ng Mary Johnston Hospital sa Tondo, Manila.
Ito aniya ay para maserbisyuhang mabuti ng mga ospital ang mga mahihirap nating kababayan.