Mighty Corporation owner Alex Wong Chu King, malayang nakaalis sa DOJ sa kabila ng utos ni Pangulong Duterte na ipaaresto ito

Manila, Philippines-Sa kabila ng utos ni Pangulong Duterte na ipaaresto dahil sa economic sabotage, malayang nakaalis ng Department of Justice ang may-ari ng Mighty Corporation na si Alexander Wong Chu King.

Si Wong Chu King, kasama ang kanyang abugadong si Atty. Sigfried Fortun, ay nakipagpulong kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ayon kay Fortun, tumutok ang pag-uusap sa umano'y paggamit ng Mighty Corporation ng pekeng tax stamp.

Hindi aniya natalakay ang tungkol sa umano'y tangkang panunuhol kay Pangulong Duterte.

Ayon pa kay Fortun, bago lamang sa kanila ang impormasyon tungkol sa tangkang panunuhol.

Nangako naman ang kumpanya ni Wongchuking na makikipagtulungan sa imbestigasyon, partikular na sa alegasyon na gumagamit ang Mighty Corporation ng pekeng tax stamp.

Facebook Comments